Kuwento
ng Katutubong Kulay: Suyuan sa Tubigan
Ni
She Marrie S. Alquizar
Madaling-araw pa lamang ay papunta na sa tubigan sina Ka
Albina, kasama ang anak na dalagang si Nati at ang pamangking si Pilang.
Sunung-sunong nila ang mga matong ng kasangkapan at pagkain. Habang daan,
nakasabay nila sina Ka Ipyong, Pakito at Pastor na nakasakay sa kalabaw dala
ang kani-kaniyang araro. Habang naglalakad, nagkakatuwaan sila at
nagkakatuksuhan. Si Ore na kasama rin nila ay nagpatihuli na parang may malalim
na iniisip.
Nang marating nila ang tubigang aararuhin, may nadatnan
na silang nagtatrabaho. Ang iba naman ay katatapos lamang sa pagtilad at habang
nagpapahinga ay nagkakasarapan sa pagkukuwentuhan. Habang abala sa pag-aayos ng
mga kasangkapang gagamitin sina Nati at Pilang, nandoon din si Pastor at
nagpipilit na tumulong kay Pilang. Si Ore naman ay mapapansing pinamumulhang
pisngi. Inabutan ni Pilang si Pastor ng kape ngunit sinamantala ito ng binatang
sapupuhin ang kamay ng dalaga. Walang kibong lumapit si Ore kay Nati at humingi
ng kape at kamote. Walang patlang ang sulyapan nina Nati at Ore habang
nagkakainan. Si Pastor naman ay laging nahuhuling nakatingin say Pilang.
Makakain, inumpisahan nila ang suyuan. Sunud-sunod silang parang may parada.
Masasaya silang nag-aararo at maitatangi ang kanilang pagkakaisa sa
tulung-tulong na paggawa. Para silang nagpapaligsahan sa ingay at hiyawan.
Ganoon na nga ang nangyari. Lihim na nagkasubukan sa pag-aararo sina Pastor at
Ore. Pagpapakitang bilis sa pagbungkal ng lupa at gilas ng kalabaw.
Ipinanahimik lamang ito ng dalawang dalaga na alam na alam ang dahilan. Nauna
si Pastor, sumusunod lamang si Ore. Malaki na ang kanilang naaararo ngunit
patuloy pa rin sila. Mahina ang kalabaw ni Ore kaya nahuhuli, samantalang
magaling ang kalabaw ni Pastor kaya nangunguna. Hindi na makahabol si Ore sa
layo ni Pastor nang huminto na ang kalabaw niya sa sobrang pagod
.
Tinawag sila ni Ka Punso para kumain. Tumigil si Pastor.
Kinalagan ang kalabaw niya at sinabuyan ng tubig. Nakatawa itong lumapit sa mga
kasama. Samantalang si Ore ay hinimas-himas pa muna ang batok ng kanyang
kalabaw na bumubula ang bibig at abut-abot sa paghinga. Nilapitan siya ng isa
sa mga kasamahan at ipinagpatuloy ang ginagawa niya. Lumapit si Ore sa mga
kasamahang mapulang-mapula ang mukha at paulit-ulit na ikinukuskos ang mga
palad na malinis na naman sa pantalon at walang masabi kundi ang pag-aming
talagang makisig ang kalabaw ni Pastor. Naupo si Ore ilang hakbang ang layo
kina Nati at Pilang. Si Pastor ay kumakain sa tabi ni Pilang. Nilapitan ni
Pilang si Ore at dinulutan ng pagkain. Naibsan ang pagod at hirap ni Ore.
Nagwakas ang kuwento sa pahiwatig na bagamat natalo ni Pastor si Ore sa
pag-aararo ay natalo naman ni Ore si Pastor sa pag-ibig ni Pilang.
Pagsusuri:
1.Tauhan: Sina
Ka Albina, Nati ,Pilang, Ore at ang pastor.
2.Tagpuan: Sa tubigan
3. Banghay
*Panimula: Pina kilala ka agad ang mga tauhan
*Tungalian: Nag-araro
*Kasukdulan: sa pagkukuwentuhan. Habang abala sa pag-aayos ng mga kasangkapang gagamitin.
*Kakalasan: Naibsan ang pagod at hirap
*Saglit na kasiglahan: tubigang aararuhin,
*Suliranin: An tubigang aaruhin
*Wakas: Nagwakas ang kuwento sa pahiwatig na bagamat natalo ni Pastor si Ore sa pag-aararo ay natalo naman ni Ore si Pastor sa pag-ibig ni Pilang.
4. Tema: Pagkakaisa
5. Kaisipan o aral: Kahit nahihirapan na sila sa kanilang pagtratrabaho pilit paring nagging matatag ang kanilang samahan.
6. Paksang diwa: Kuwento ng Katutubong Kulay: Suyuan sa Tubigan
7. Tono o Himig: Malungkot
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento